Source: Old Tearful Mary (1400), CBS News
May nagtanong
sa akin, “Di ba bukas birthday ni Mama
Mary?”. Kahit alam ko na ang sagot, nagsagawa pa rin ako ng malalim na
pagsasaliksik. Ayon sa aking pagsasaliksik, hindi “birthday” ni Mama Mary ang
Dec. 8 kahit sa pananaw ng Simbahang Katoliko sapagkat hindi ito ang literal na
kaarawan kundi “Immaculate Conception” na ang ibig sabihin ay milagrosang
pagdadalang-tao ni Anna kay Maria.
Nasanay
ang mga Katoliko na ang alam ay ang Sept 8, ang birthday ni Mama/Mother/Virgin
Mary at hindi ang Dec. 8. Ngunit kung aaralin, ayon kay Rev. Matthew
R. Mauriello, wala sa Bibliya natin ngayon ang saktong araw ng
kapanganakan ni Maria1. Ayon sa Catholicism.org, pinanganak daw si
Maria labinglima tatlong buwan at labimpintong araw (15 yrs, 3 months, & 17
days) bago pinanganak si Hesus. Ngunit
kahit ang impormasyong ito ay hindi binabanggit kung saan nakuha ng
Catholicism.org.
Ngunit ipagpalagay natin na tama ang sinabi sa Catholicism.org, kailangan natin malaman kung kailan din talaga pinanganak si Hesus? Ayon kay Dave Renke, isang
siyantipiko, maaaring ang talagang kapanganakan ni Hesus ay June 17, 2. B. C.
sapagkat ng panahon na iyon nagsama ang Jupiter at Venus na nagresulta na isang
malaki at maliwanag na “bituin”3 na nakita ng mga magi, wise persons o “astrologo” ayon
sa Ebanghelyo ni James. Ayon sa mga eksperto o iskolar ng Bibliya, malabong
December 25 talaga ang kapanganakan ni Hesus dahil na rin hindi lumalabas ang
mga pastol para magbantay ng mga tupa sa panahon ng taglamig. So kung 2 B. C.
pinanganak si Hesus, pinanganak si Maria ng March 17, 17 B. C. Maraming
haka-haka o teorya sa araw ng kapanganakan ni Maria ngunit sa tingin ko, ang komputasyon sa itaas ang mas tama o malapit sa katotohanan.
May nagsasabi pa
sa catholicforum.org na ayon kay “Our Lady of Medjugorje,” August 5 daw s'ya
pinanganak ngunit taliwas ito sa karamihan raw na aparisyon ng Birheng Maria sa
karamihan ng Katoliko kaya hindi maasahan ang impormasyong ito. Mayroon ding
vidyo si Alan Tat na pinamagatang “Birth Date of Jesus is Written Precisely in
the Holy Bible” sa Youtube ngunit
walang impormasyon kung sino siya at ang kanyang background kaya hindi ko na
siya sinama mga mapagkakatiwalaan impormasyon, ngunit maganda rin pagnilayan at
intindihin ng isang advanced
Christian reader. Hindi ko nirerecomenda ito sa mga baguhang mambasa ng Bibliya
sapagkat imbes na makatulong ay magdulot pa ng pagkalito.
Ngunit ayon kay Rev. Mauriello, napili ang Sept 8 kasi ang Civil Year ng Constantinople noon ay nagsimula ng September 1. Naniniwala raw ang mga iskolar kasi simbolo raw ito ng “panimula” ng pagliligtas malapit sa bagong taon. Mga Labinlimang daang taon lamang ginagawa ng mga Katoliko obserbahan ang kaaarawan ni Maria bilang Sept. 8 mula noong Council of Ephesus taong 431 A. D.1
Hindi man natin alam ang eksakto
at sigurado araw ng kapanganakan ni Maria, nalathala naman ang detalye ng
kanyang buhay sa Ebanghelyo ni Santiago ay na rin Rev. Mauriello. Nakasulat sa
ebanghelyong ito:
“Suddenly, an angel of the Lord stood in
front of her, saying, ‘Anna, Anna, the Lord God has heard your prayer. You will
conceive and give birth and your child will be spoken of everywhere people
live. And Anna said, ‘As the Lord God
lives, whether I give birth to either a male or a female child, I will bring it
as an offering to the Lord my God and it will be a servant to him all the days
of its life."-Gospel of James 4: 1.4
Ngayong
Dec. 8, mainam din na maglaan tayo ng oras upang basahin ang ebanghelyong ito
at pagnilayan kung sino si Maria, bilang Ina ni Hesus. Naging biktima rin ba
siya ng isang mapanghusgang lipunan? Bakit kinailangan nilang lumipat
ng Bethlehem? Anong klaseng babae ba si Maria? Matapang, palaban, o sumusunod lang sa agos? Siya ba talaga ay malasutla ang balat hanggang pagtanda nya na parating nakangiti na kadalasan natin nakikita o simbolo sila ng ating kolonyal na nakaraan at pagtangi sa mga mapuputi at mukhang bata bilang simbolo ng "virginity"? O may pinagdaanan siyang mabigat na karanasan pero sinusubukan nyang maging matatag? Iyan lamang ang ilan sa mga katanungan na maaari nating pagnilayan pagbasa ng ebanghelyo ayon kay James.
ng Bethlehem? Anong klaseng babae ba si Maria? Matapang, palaban, o sumusunod lang sa agos? Siya ba talaga ay malasutla ang balat hanggang pagtanda nya na parating nakangiti na kadalasan natin nakikita o simbolo sila ng ating kolonyal na nakaraan at pagtangi sa mga mapuputi at mukhang bata bilang simbolo ng "virginity"? O may pinagdaanan siyang mabigat na karanasan pero sinusubukan nyang maging matatag? Iyan lamang ang ilan sa mga katanungan na maaari nating pagnilayan pagbasa ng ebanghelyo ayon kay James.
Hindi
ako eksperto ngunit marunong lamang mag-research sapagkat trabaho ko rin ito at tinrain din ako magbabasa ng Bibliya sa kabuuang paraan hindi lamang kung ano ang nasusulat. Ang
gusto ko lamang ay magsaliksik din ang ating kababayan upang malaman ang katotohan. Huwag
tayong makuntento kung ano lang ang sinabi sa atin o ipinasa sa atin. Maging
matalino tayong mananampalataya na may gawa.
Sources Cited:
1. Mauriello,
Matthew. “Birth of Mary: September 8” Updated January 1996. https://udayton.edu/imri/mary/b/birth-of-
2. n. a. “The Birthday of the Blessed Virgin Mary 16 B. C.”
Updated Sept 8, 2000. http://catholicism.org/the-birthday-of-the-blessed-virgin-mary-16-bc.html>
Downloaded Dec. 7, 2018
3. Castro, Joseph. “When Was Jesus Born?” Updated January 30, 2014 11:09am ET <https://www.livescience.com/42976-when-was-jesus-born.html> Download Dec. 7, 2018
4. F. Hocks, Ronald. “The Infancy Gospels of James.” Translated from Greek. Updated <https://www.asu.edu/courses/rel376/total-readings/james.pdf>
